Archive for December, 2007

Utot

Monday, December 3rd, 2007

Matagal na akong hindi nagsusulat tungkol sa pulitika.

Magulo kasi. Masalimuot.
At pagkatapos mong ipagyabang ang talino at tatas
at ipangalandakan ang pusong "nagdurugo" para sa Bayan
anong kahihinatnan?

Nagkaron ba ng pagkain and batang nagru-Rugby sa kanto?
Nakakuha ba ng pang-matrikula ang anak ng katulong niyo?

Sumarap ba ang sinisipsip mong Green Tea Frappucino (without whip cream)?

Kaya ayokong magsulat tungkol sa pulitika.

Mabuburat ka lang sa mga kaburat-burat na ngang bagay.

Ang gusto ko, yung mga nakakatuwa.

Kahit nakakatawa, pwede narin.

Mga tipong Light Comedy.

Wala masyadong commitment.

Kaya okay sakin and Trillanes Hotel Takeover Series.

Very light.
So light, parang utot.
Yung tipong comic relief lang talaga in the midst of a very stressful day in Makati.

Kung iisipin, halos lahat ng mga balita ngayon

Parang utot.
Yung iba malakas, pero wala naman talagang amoy.
(Parang ‘pag and Piso lumalakas)
At shempre may "silent killer".
(Parang ‘pag daan-daang aktibista pinapatay)

Pero humangin lang konti okay na ulit.

Balik eskwela, Balik trabaho

Balik Green Tea Frappucino (without whip cream), Balik Rugby

Ngunit dapat mag-ingat

Dahil kahit ang utot, minsan ay nakasusulasok

Pwedeng maging mala-teargas

Lalo na pag ang kinain ay panis, bulok

Minsan di mo alam, sakit na pala

Pwedeng Bulate, Pwedeng Diarrhea
at hindi na nakakatuwa

Pero okay parin,

Kasi nakakatawa.